Tinatanaw, Misyon at Layunin

TML


Tinatanaw

Kami sa Gabay ay naglalayong makabuo ng isang komunidad ng mga tao-para-sa-kapwa. Kinikilala namin na si Kristo, ang ganap na tao-para-sa-kapwa, ay tumatawag sa lahat tungo sa isang payak na pamumuhay, isang buhay ng pananampalataya at paglilingkod sa nagbabagong mundo, para sa pagtataguyod ng kaharian ng Diyos, ang lipunan ng kapayapaan at katarungan, bilang pagtupad sa Kanyang dakilang kautusan: “Mahalin ninyo ang inyong kapwa tulad ng pagmamahal Ko sa inyo.“

Misyon

Maitaguyod ang pangkabuuang paghubog ng pagkatao ng mga kasapi.

Layunin

  1. Pagtulong sa mga kasapi na maiangkop ang sarili sa komunidad ng Ateneo at Gabay.
  2. Pagtugon sa pang-akademikong pangangailangan ng mga kasapi.
  3. Paggabay sa ispiritwal na pagtubo ng mga kasapi.
  4. Pagpapalawak at pagpapalalim ng panlipunang kamalayan ng mga kasapi.
  5. Direktang pagtugon sa tawag ng lipunan sa pamamagitan ng pagbabad sa erya.
  6. Paglinang ng kaalaman, kasanayan, at iba pang kakayahan ng mga kasapi.